276 - Sa Bagong Jerusalem

Sa bagong Jerusalem
Ay walang panimdim,
Liwanag ay maningning,
Doo'y walang dilim.

REFRAIN

Luha mo'y papahirin,
Wala ka nang hilahil,
Diyos ang iyong kapiling
Diyos ang iyong kapiling
Kasalo sa aliw, Kasalo sa aliw.

Ang pinto'y pawang perlas
Sa banal na s'yudad,
Ang daa'y gintong lahat
Kaya't maliwanag.

REFRAIN

Luha mo'y papahirin,
Wala ka nang hilahil,
Diyos ang iyong kapiling
Diyos ang iyong kapiling
Kasalo sa aliw, Kasalo sa aliw.

Doo'y wala nang araw
Na makasisilaw,
Kordero'y Siyang ilaw,
Liwanag ay sakdal.

REFRAIN

Luha mo'y papahirin,
Wala ka nang hilahil,
Diyos ang iyong kapiling
Diyos ang iyong kapiling
Kasalo sa aliw, Kasalo sa aliw.

0:00 0:00